~ Soapdish ~
Pwede bang sabihin mo
Na itatago mo ang mga sulat ko
Kasi medyo maiinis ako
Kung itatapon mo
'Wag kang mag-alala
Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
Di na pipilitin pa
Itong damdamin ko sa'yo
Medyo maninibago
Pero ayos lang sa'kin 'to
At pwede bang sabihin mo
"Maghihintay ako sa'yo"
Kasi medyo naiinip na 'ko
Sa ikot ng mundo
Pwede bang isipin mo
Nahihirapan din naman ako
Sa paghintay lang ng kung ano-ano
Magmumula sa'yo
At 'wag kang magtataka
Kung ako'y biglang makita
Na nag-iisa... nakahiga lang sa kama
Iniisip ko ito
"Ba't nga ba biglang nagbago?"
Makayanan ko sana 'to
At pwede bang sabihin mo
"Maghihintay ako sa'yo."
Kasi medyo naiinip na ako
Sa ikot ng mundo
'Wag kang mag-alala
Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
Di na pipilitin pa...
Itong damdamin ko sa'yo
Medyo naninibago
Makayanan ko sana 'to
At pwede bang sabihin mo
"Maghihintay ako sa'yo."
Kasi medyo naiinip na ako
Sa ikot ng mundo
At pwede bang sabihin mo
"Maghihintay ako sa'yo."
Kasi medyo naiinip na ako
Sa ikot ng mundo
At pwede ba... pwede ba... pwede ba?
At pwede ba... pwede ba... pwede ba?
No comments:
Post a Comment